Autovermietung Philippinisch

 

Tignan ang aming

1Bakit ko kailangang umupa ng kotse?
Para i-book ang kotse mo, ang kailangan mo lang ay isang credit o debit card. Kapag kinuha mo ang kotse, kailangan mo ng: Ang iyong voucher/eVoucher para ipakita na binayaran mo na ang kotse. Ang credit/debit card ng pangunahing tsuper, na may sapat na magagamit na pondo para sa deposito ng seguridad. Ang buong, balidong lisensiya sa pagmamaneho ng bawat tsuper, na hindi bababa sa 12 buwan na nila ginagamit (madalas ay 24 na buwan). Ang pasaporte mo at anumang ibang ID na kailangang makita ng kompanya sa pag-upa ng kotse. Ang mga magkakaibang kompanya sa pag-upa ng kotse ay may magkakaibang inaatas, kaya tiyaking suriin mo rin ang Mga Tuntunin at Kundisyon ng kotse.
2Gaano katanda dapat ako para makaupa ng kotse?
Para sa karamihan ng mga kompanyang nagpapaupa ng kotse, ang inaatas sa edad ay nasa pagitan ng 21 at 70 taong gulang. Kung mas bata ka sa 25 o mas matanda sa 70, maaaring kailangan kang magbayad ng dagdag na bayarin.
3Pwede ba akong mag-book ng uupahang kotse para sa ibang tao?
Oo, sa kundisyong makakatugon sila sa mga inaatas na ito. Punan lang ang mga detalye nila habang nagpapareserba ka.
4Paano ko mahahanap ang pinakamurang deal sa pag-upa ng kotse?
Katrabaho namin ang lahat ng mga pangunahing brand ng inuupahang kotse sa nuong mundo (at maraming mas maliit na lokal na kompanya) para madalhan ka ng malaking pagpipilian ng mga kotse sa pinakamahusay na presyo. Ganoon ka namin mahahanap ng murang mga deal sa inuupahang kotse sa mahigit sa 53,000 lokasyon sa buong mundo. Upan maghambing ng mga presyo at mahanap ang nais mong kotse sa hindi matatalong presyo, gamitin lang ang aming form sa paghahanap.
5Ano ang dapat kong hanapin kapag pumipili ako ng kotse?
Espasyo: Mas mae-enjoy mo ang inuupahan mo kung pumili ka ng kotse na maraming lugar para sa iyong mga pasahero at bagahe. Patakaran sa fuel: Hindi nagbabalak masyadong magmaneho? Sa patakarang Full-to-Full na fuel ay makakatipid ka ng maraming pera. Lokasyon: Hindi mo matatalo ang ‘on-airport’ na pagkuha para kumbinyente, per ang ‘off-airport’ na pagkuha sa shuttle bus ay maaaring mas mura.
6Kasama ba lahat ng mga bayarin sa presyo ng pag-upa?
Ang karamihan ng mga pinauupa namin ay may kasamang proteksyon sa pagnanakaw, waiver sa pagkasira sa banggaan (CDW), mga lokal na buwis, surcharge sa airport at anumang mga bayarin sa kalye. Magbabayad ka ng anumang ‘mga ekstra’ kapag kinuha mo ang kotse mo, kasama ang sinumang batang tsuper, karagdagang tsuper o mga one-way na bayarin, ngunit ipapaliwanag namin ang anumang mga dagdag na gastos bago mo i-book ang kotse mo (at pagdala ng sarili mong mga child seat o GPS ay madaling paraan para mabawasan ang mga gastos mo). Para sa karagdagang mga detalye sa kung ano ang kasama, suriin lang ang mga Tuntunin at Kundisyon ng anumang kotseng tinitingnan mo.